Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2016

Pasukan na naman

May pasok na bukas hahahaha bitin yung bakasyon dapat sa nov 7 nalang yung pasukan hahahaha swerte ng mga senior high sa 7 pa pasok nila, kakatamad pumasok gigising nanaman ng maaga, kailangang matulog ng maaga,marami nanamang mga kailangang gawin

Kulay ng Kasiglahan

Imahe
Excited nako bukas hahahaha BINHI Frienship Day bukas, yessss meron color fun run tsaka marami pang activities na masasaya.

1 THESSALONIANS 5:18

Imahe
Dapat magpasalamat tayo sa Panginoon sa lahat ng mga biyaya na ipinagkakaloob niya sa atin dahil minsan mas higit pa sa inaakala natin ang ibibigay niya, dapat rin tayong magpasalamat sa paggising natin sa umaga dahil ito ay isang biyaya sapagkat nagising tayo   at buhay pa tayo, kaya't wag nating makalimutan magpasalamat palagi sa ating Panginoong Dios.
Imahe
Wag tayong magalit sa kanya kung hindi niya  pa binibigay ang hiling mo,ibibigay niya ito sa tamang oras sapagkat siya ang nakakaalam nang para sa ikakabuti natin, at ibibigay niya lang ito kung ito ay makakatulong sa atin kaya't wag tayong malungkot  sapagkat ibibigay niya ito sa hindi mo inaasahang panahon.

Bagyong Lawin

Ang lakas ng bagyo sana mawala na kasi marami ako nasalanta at marami ang mga nahihirapan,marami ang mga nasirang tahanan kaya sana ay mawala na anyg bagyo dapat lagi tayong magingat ang dapat laging maging alerto sa laging magingat ang lahat.

Sana Sembreak na

Nakakapagod na araw andaming kailangan gawin,andaming kailangan ipass.Yess malapit na sembreak hindi na putol putol tulog ko hahahah makakapagpahinga na tayo yehey hahaha

last day of exam

Yess last day nalang ng exam pagtapos ng bukas wala na ,grabe yung mga subject kanina ang hihirap buti nalang tapos na. Lapit na rin sembreak yess makakapagpahinga na tayo.............

PHIL 4:13

Imahe
Lahat magagawa natin kapagkasama natin ang panginoon bastat lagi tayong magtitiwala sa kanya, manalangin palagi .Wala dapat tayong ipangamba sapagkat siya ang gagabay at aalalay sa atin sa anumang bagay .
Imahe
Lagi nating tandaan  na laging kasama natin ang Diyos, hindi niya tayo pababayaan , lagi nya tayong iingatan at kung may problema mang dumating lagi siyang nariyan para tulungan tayo,manalangin tayo palagi  kahit nasaan man o kahit ano man ang ginagawa mo.

Bomb Threat

Kanina maaga kasi kami pumasok nila raevon mga 6:20 nasa school na kami edi ang aga namin nagfacebook ako tapos nakita yung message na may bomba daw sa systems tsaka jocson tapos dumating na mga classmate ko sabi nila suspended na klase sa jocson tapos  sabi nila wag na kayong umasa na masususpend din tayo waterproof na tayo bombproof pa edi umakyat nakami sa classroom kaya parang tuloy na tuloy yung klase sabi nga nila bombproof na tayo tapos mayamaya sabi suspended na klase mga bandang 8:00 nakakatakot kasi hindi alam kung totoo o gawagawa lang kaya dapat lagi tayong mag ingat.

Church Day

Imahe
From this day onward i resolve To depart from sin and be true No longer will I disobey My life I will renew Kanina sa pagsamba ay nagustuhan ko ang kanta nayan kasi naaalala ko dati hindi ako palasamba kumbaga nanlamig ako pero ang bait talaga ng panginoon kasi hindi nya ako pinabayaan,napakasarap sa feeling pagnapapaglilingkuran mo siya at pagnasasabi mo lahat sa kanya sabi nga sa Jeremiah 29:11 God Has A Great Plan For Your Life  ibig sabihin nito ay may maganda siyang plano saatin kung nakakaramdam man tayo ng pagsubok para sa atin yun kasi binibigay nya to para tumatag pa lalo tayo at hindi naman nya bibigay yung pagsubok kung hindi ito makakabuti sa atin.Kung may mga kasalanan tayong nagawa mabigat man o hindi ,hindi pa huli ang lahat para magbago dahil handa tayong tanggapin muli ng panginoon kung tayo'y magsisi at magbabagong buhay.

The Flu

Kanina afternoon kami pumasok tapos ang saya kanina kasi natapos na namin yung the flu kaso maraming wala yung iba nagcamping yung iba hindi na pumasok. Mas maganda talaga yung the flu kaysa sa train to busan mas may thrill tsaka nakakaiyak kanina nga marami naiyak kasi ang ganda nakakatawa dinyung mga reaksyon nila kanina hahahaha.

Einstein Movie list

Imahe
 Noong tuesday diba quizbee day yon morning yung G7 at G8 tapos kami afternoon so nung morning walang pumasok na teacher bukod kay maam joy so naisipan naming manood ng movie so nanood na kami sobrang saya manood kasi nakakatuwa yung mga reaksyon nila  ang saya talagang manood pag buong klase lalo pag dhn sa mga part na may thrill tilian sila lalo na pagnakakagulat.Kinabukasan naman ay hindi pumasok si sir gerson kasi may gagawin sya pero nagiwan sya ng activity so nagdecide kaming manood ulet ng movie so napili namin yung the flu kasi maganda, so habang nanonood kami ginagawa namin yung activity,itong movie na to mas may thrill lahat tahimik kasi inaabangan namin kung anong mangyayari ang saya din pag may nakakagulat na part  kaso hindi namin natapos kasi nandyan na yung teacher sa next sub , hahaha umaasa  kami ng free time para matapos namim yung the flu.

Church Day

Imahe
  Oh,there is nothing I will ever fear, Though it be thirst or hunger so severe, Im not afraid of death,even by sword, If,by my side,remains my dearest Lord to yung favorite stanza ko kasi lahat magagawa natin kapag kasama natin ang panginoon wala  tayong dapat ikatakot sapagkat siya ang gagabay at aalalay sa atin ika nga sa Isaiah 41:10 Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.Kaya kung may mga problema man tayong nararanasan manalig tayo sakanya dahil siya ang tutulong sa atin at hindi niya tayo pababayaan.

Einstein

Imahe
Kanina ay nagclass picture kami ang saya kasi sama sama kami kaso may mga absent kaya di kami kumpleto kawawa naman yung mga wala sabi nila i-edit nalang nila para kasama yung mga wala hahahaha pero sobrang saya kanina ang ingay at ang gulo namin.(fierce daw pero yung iba nakasmile hahaha)(Yung sa baba zombies sa train to busan daw haha)

Nakakapagod na Araw

Sobrang hirap ng mga subject kanina andami pa, parang sasabog na yung utak ko dahil sa dami ng kailangan ireview kagabi nagalarm ako ng 3:30am para magreview pero pagising ko 5:00 na grabe hindi ko na review yung mga kailangan kong review kaya pagdating ko sa school dun nalang ako nagreview pero buti nalang nasogot ko atsaka natapos ko, last day nalang ng exam bukas yehey!!!

Review Review Review

Ang bilis ng araw parang kakaperiodic lang monthly nanaman ulit ang bilis talaga ng araw lahat busy ngayon kakareview kailangang magsunog ng kilay(hindi yung literal na word hahahaha) para makapasa syempre kailangang magmaintain ng grade sana mamaintain ko pa yung grade ko.

Sa Ama Lahat ng Kapurihan

Imahe
Grabe sobrang saya ng araw na to hindi ko talaga expect na magiging rank 4 ako kasi dati hindi man ako umaabot sa rank 10 kasi yung rank ko nasa 10 pataas ,nung sinusulat na ni christle yung ranking natakot ako kasi bandang rank 5 na wala pa yung pangalan ko so kinakabahan nako akala ko nakalimutan na yung pangalan ko expect ko kasi hindi ako papasok sa top 10.Nagpapasalamat talaga ako sa ating Panginoong Dios kasi kung hindi dahil sa kanya hindi ko mararating kung anong meron ako ngayon sa Ama lahat ng Kapurihan,tunay ngang napakabuti ng Ama sa ating lahat.

TLE Time

Tle time kanina dapat magququiz kami pagtapos mag report ng mga reporters syempre ayaw pa namin magquiz kasi di kami ready syempre pasimpleng tanong ng tanong para hindi matapos agad yung report tanong dito,tanong doon nung malapit nang matapos tanong na nang tanong lahat tapos may mga nagjojoke pa kaya lalong hindi agad natapos at hindi na natuloy hahahaha ngiting tagumpay dahil di natuloy yung quiz hahahaha.

Busog na Busog

Imahe
Busog na busog kami noong linggo dahil namasyal kami sa Clark Renaissance Hotel syempre eat all you can don kahit gaano kadami pwedeng pwede tapos kain swimming tapos pagnagutom kain ulit tapos dessert na bumili kami ng freakshake ang sarap andaming toppings tsaka chocolate sulit na sulit hahahaha.
Imahe
Naalala ko pa nung sa amphitheater pa kami nagkaklase dahil nasira yung aircon namin nakakamiss yung takutan doon ano ano nalang naiisip nila tapos kahit saan pa yung pwesto namin kaya lalo kaming maingay at natatakot sila sa may bandang likuran tapos pag recess papatayin nila yung ilaw tapos tatakbo lahat dahil natatakot hahahaha tapos parang ayaw na namin lumipat ng classroom noon kasi sobrang saya doon kahit nakakatakot :)
Joshua 1:9  Hindi ba kita inutusan? Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang na mabuti; huwag kang matakot, ni manglupaypay: sapagka't ang Panginoon mong Dios ay sumasa iyo saan ka man pumaroon. ----Sa buhay marami tayong pagdadaanan na pagsubok at maaring hindi ito madali. kailangan lang ntin magpakatatag at manatiling may pananampalataya sa Panginoon.
Imahe
Pagod man kami kakagupit doon,tape doon,sabit doon,dikit doon sulit naman kasi masaya kaming nagaayos at gumagawa. kwentuhan dito,tawanan doon kahit konti nalang kaming natira at kahit gabi na kami nakauwi sulit dahil maganda at maayos ang kinalabasan. :)
Imahe
Excited akong umuwi kasi makakalaro ko na ang bunso kong kapatid. Ang cute cute niya talaga lalo na dito sa picture na to sarap niyang laruin,takaw takaw pa niya. Hahahaha!!
Imahe
What we did earlier is but tiring,its all worth it because we won with the help of the Lord.
Imahe